Tsina, pinabulaanan ang walang batayang pagbatikos ng Amerika

2024-05-21 16:26:23  CMG
Share with:

 

Sa isang pulong ng United Nations Security Council (UNSC) kahapon, Mayo 20, 2024 hinggil sa isyu ng Ukraine, ipinahayag ni Geng Shuang, Pangalawang Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN, na hindi kailanman ipinagkaloob ng Tsina ang makamamatay na sandata sa anumang panig ng sagupaan sa Ukraine.

 

Aniya, ang Tsina ay walang kinalaman sa krisis ng Ukraine at hindi kasangkot na bansa sa isyung ito.

 

Inulit ni Geng na palagiang isinusulong Tsina ang paglutas sa isyung ito sa mapayapa at pulitikal na paraan.

 

Saad pa niya na may kapangyarihan ang Tsina sa pagsasagawa ng normal na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa iba’t ibang bansa na gaya ng Rusya at palagiang isinasagawa ng panig Tsino ang mahigpit na pagkontrol sa pagluluwas ng mga paninda na maaring gamitin ng sibilyan at militar.

 

Hinimok ni Geng ang Amerika na itigil ang pagdungis at paglabas ng tsismis hinggil sa Tsina at itakwil ang unilateral na sangsyon sa mga bahay-kalakal ng Tsina.

 

Sinabi pa niya na hindi dapat gamitin ng Amerika ang krisis ng Ukraine bilang sandata sa pagpapasulong ng estratehiyang heopulitikal at panunulsol ng bloc confrontation.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil