Ulat sa paglapastangan sa karapatang pantao ng Amerika sa 2023, inilabas ng Tsina

2024-05-29 15:49:43  CMG
Share with:


Inilabas ngayong araw, Mayo 29, 2024 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang ulat hinggil sa paglapastangan ng Amerika sa karapatang pantao sa taong 2023.

 

Ang ulat ay binubuo ng Paunang Salita; Karapatang Sibil at Pampulitika na Naging Walang Kabuluhan; Paulit-ulit na Sakit ng Rasismo; Lumalalang Di-pagkakapantay-pantay sa Ekonomiya at Lipunan; Patuloy na Paglabag sa mga Karapatan ng mga Kababaihan at Bata; Nakakabagabag na Pakikibaka ng mga Di-dokumentadong Migrante; at Paghantong sa Makataong Krisis ng Hegemonyang Amerikano.

 

Sa pamamagitan ng mga katotohanan at datos, ibinunyag ng ulat ang tunay na kalagayan ng paglapastangan sa karapatang pantao ng Amerika, at hinimok ang pamahalaang Amerikano na isagawa ang aktuwal na hakbangin, upang resolbahin ang mga problema sa isyung ito, at tugunan ang pananabik ng mga Amerikano at pagkabahala ng komunidad ng daigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio