CMG Komentaryo: Umano’y “Amerikanong karapatang pantao,” pribilehiyo at hegemonya lamang

2024-05-30 15:28:04  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas kamakailan ng Rutgers Health ng Rutgers University ng Amerika, halos 60% African-American ang nahaharap sa iba’t ibang porma ng gun violence at ang karamihan ng mga biktima ay nakatira sa mga kapitbahayang may mababang kita sa Amerika.

 


Tinukoy ng mananaliksik na ang nasabing datos ay nagpapatunay na nakakaranas ang grupo ng mga African-Amerikan ng tuluy-tuloy na pananakit.

 

Sa katunayan, isa lamang ito sa nakararaming halimbawa ng kaguluhan ng karapatang pantao ng Amerika.

 

Inilabas, Mayo 29, 2024 ng Tsina ang ulat hinggil sa paglapastangan ng Amerika sa karapatang pantao sa taong 2023.

 

Sa pamamagitan ng nakararaming datos at buhay na kaso, ibinunyag ng ulat ang tunay na kalagayan ng paglapastangan sa karapatang pantao ng Amerika na gaya ng diskriminasyong panlahi na may matibay nang pundasyon, paglala ng agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, tuluy-tuloy at masamang labanan sa pagitan ng mga partido, malubhang pagboykot at pagtatangi laban sa mga dayuhan at iba pa.

 

Bukod pa riyan, ikinakalat ng Amerika ang hegemonya sa labas ng bansa.

 

Tuluy-tuloy nitong inihahatid ang mga sandatang gaya ng cluster munition sa Ukraine; ipinagkaloob ang maraming tulong na militar sa Israel; at matagal nang pinagmalabisan ang unilateral na sangsyon laban sa Cuba, Iran, Syria at iba pang bansa.

 


Ang karapatang pantao ay ginagawang katuwiran ng pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, at sandata sa pangangalaga sa hegemonyang Amerikano ng pamahalaan ng Amerika, bagay na humantong sa malubhang makataong krisis, at nakapinsala sa pandaigdigang usapin ng karapatang pantao.

 

Napagtanto ng mga tao na ang umano’y “Amerikanong karapatang pantao” ay pribilehiyong tinatamasa ng iilang tao sa loob ng Amerika, at hegemonyang tikis na ipinapataw sa labas ng bansa.

 

Sa harap ng kasuklam-suklam na kalagayan ng karapatang pantao sa Amerika, kabaliktaran ito sa ilang politikong Amerikano na laging nagbabandera sa umano’y “karapatang pantao.”

 

Ang umanong “tagahatol sa karapatang pantao” ay siyang pinaka-kailangang hatulan!

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil