Seminar na pinamagatang “Tsina at Daigdig: Kooperasyon, Hamon, at Win-win,” idinaos sa Beijing

2024-05-31 16:04:28  CMG
Share with:

Idinaos Mayo 30, 2024, sa Beijing, ang seminar na pinamagatang “Tsina at Daigdig: Kooperasyon, Hamon, at Win-win” na magkasamang itinaguyod ng China Media Group (CMG) at Renmin University of China (RUC).

 


Sa kanyang video speech, ipinahayag ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na nitong ilang taong nakalipas, palagiang isinasagawa ng CMG ang inobasyon, at gumagawa ng mga serye ng mekanismo ng pakikipagtulungan sa internasyonal na media. Nakahanda ang CMG na magsikap kasama ng mga kaibgian sa loob at labas ng bansa para magkasamang likhain ang mas magandang kinabukasan.

 


Inilabas sa seminar ang “Tsina at Daigdig: Kooperasyon, Hamon, at Win-win,” Global Public Opinion Survey Blue Book.”

 

Ayon sa sarbey, ipinalalagay ng 90.6% respondent na ang Tsina ay isang mahalagang bansa, at ang pagpapalalim ng pakikipagkooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa Tsina ay angkop sa interes ng kanilang interes; 85.3% respondent naman ang lubos na sumasang-ayon sa diwa ng silk road ng Tsina, mapayapang kooperasyon, pagiging bukas at inklusibo, mutuwal na pagkatuto, mutuwal na benepisyo at win-win.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil