Kinondena kahapon, Mayo 30, 2024 ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, ang pagdeploy ng Amerika ng Typhon Mid-Range Capability missile system sa Pilipinas.
Sinabi ni Wu na ang aksyon ng Amerika at Pilipinas ay naglagay sa buong rehiyong Asya-Pasipiko sa ilalim ng banta ng sandatang Amerikano at matinding tinututulan ito ng panig Tsino.
Aniya, ang aksyon ng Amerika at Pilipinas ay nagdulot ng malaking banta ng digmaan at lubhang makakaapekto sa balangkas ng seguridad, at pinapahina ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Dagdag pa niya, na ang aksyon ng Pilipinas ay malubhang lumalabag sa prinsipyo ng Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia at pinapahina ang balangkas ng kooperasyong panrehiyon na pinamumunuan ng ASEAN.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil