Sa kanilang pag-uusap sa Beijing Biyernes, Mayo 31, 2024, inanunsyo nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Kais Saied ng Tunisia ang pagtatatag ng estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Xi na ang aksyong ito ay tiyak na lilikha ng mas magandang kinabukasan ng relasyon ng dalawang bansa.
Kasama ng panig Tunisian, nakahanda aniya ang panig Tsino na palakasin ang sinerhiya ng mga estratehiyang pangkaunlaran; palalimin ang kooperasyon sa imprastruktura, bagong enerhiya at iba pang larangan; paramihin ang bagong lakas-panulak ng kooperasyon sa mga larangang gaya ng medikal, kalusugan, berdeng pag-unlad, yamang tubig, at agrikultura; at pasulungin ang pagtamo ng de-kalidad na kooperasyon ng dalawang bansa sa Belt and Road ng mas maraming bunga.
Winewelkam din ng pangulong Tsino ang pagpasok ng mas maraming de-kalidad na katanging-tanging produkto ng Tunisia sa merkadong Tsino.
Inihayag din ni Xi ang kahandaang itaguyod, kasama ng Tunisia ang China-Arab States Summit at Forum on China-Africa Cooperation, patingkarin ang makabagong lakas-panulak sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at mga bansang Arabe, at kapit-bisig na buuin ang mataas na lebel na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Aprika.
Saad naman ni Kais Saied, buong pananabik na inaasahan ng kanyang bansa na tatanggapin ang mas malaking suporta ng panig Tsino sa proseso ng pambansang pag-unlad, at pahihigpitin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa kalusugan, transportasyon, berdeng pag-unlad, edukasyon at iba pang larangan.
Magkasamang sinaksihan ng dalawang lider ang paglagda sa mga dokumento ng bilateral na kooperasyon sa berde’t mababang karbong pag-unlad, pamumuhunan at iba pang larangan.
Salin: Vera
Pulido: Ramil