Wang Yi: Dapat pasulungin ng Tsina at Rusya ang pagkakaisa at pag-unlad ng Global South

2024-05-31 14:40:32  CMG
Share with:

Ipinahayag Huwebes, Mayo 30, 2024 ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na dapat pasulungin ng Tsina at Rusya ang pagkakaisa at pag-unlad ng Global South.


Winika ito ni Wang sa pamamagitan ng video link sa China-Russia High-level Think Tank Forum.


Dapat aniyang matatag na pangalagaan ng dalawang bansa ang pandaigdigang sistema na ang nukleo ay United Nations (UN), at pandaigdigang kaayusan batay sa pandaigdigang batas, pahigpitin ang multilateral na koordinasyon at kooperasyon, at pasulungin ang multipolar na daigdig at globalisasyon ng ekonomiya sa pamamagitan ng tunay na multilateralismo.


Nanawagan din siya na suportahan ng dalawang bansa ang isa’t isa, igiit ang kooperasyon at pagbubukas, isagawa ang pagpapalitan at matuto sa isa’t isa.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil