Pagkakaisa, kooperasyon at pagbibigayan sa pinalakas na SCO, ipinanawagan ni Wang Yi

2024-05-22 16:11:17  CMG
Share with:

Astana, Kazakhstan – Sa kanyang pagdalao, Mayo 21, 2024 sa pulong ng Konseho ng mga Ministrong Panlabas ng Shanghai Cooperation Orgaization (SCO), iminungkahi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang pagsusulong sa estratehikong pagsasarili, at pagpapanatili ng pagkakaisa at kooperasyon.

 


Aniya, kailangang igiit ang komong seguridad, at pataasin ang lebel ng kooperasyon.

 

Dapat palakasin ang unibersal na benepisyo at win-win na resulta, at pasiglahin ang kooperatibong kaunlaran, dagdag niya.

 


Ipinanawagan din ni Wang ang pagbubukas at pagbibigayan, at pagpapalalim ng pagpapalitan at mutuwal na pagkatuto.

 

Binigyan naman ng positibong atityud ng mga kalahok na ministrong panlabas ng iba’t-ibang bansa ang papel at tagumpay na pangkaunlaran ng SCO.

 


Nagkakaisa  nilang ipinaglalagay na dapat palaganapin ang “Diwa ng Shanghai,” galugarin ang nakatagong lakas ng kooperasyon, igiit ang pagbubukas at pagbibigayan, palakasin ang kooperasyon sa larangan ng pulitika, kabuhayan at seguridad, pasulungin ang konektibidad, isakatuparan ang komong kaunlaran at kasaganaan, at gawin ang makabagong ambag para sa kapayapaan at sustenableng pag-unlad ng mundo.

 

Kinondena rin nila ang lahat ng porma ng terorismo, at sinang-ayunang palakasin ang pagbibigay-dagok sa “tatlong masamang puwersa” ng terorismo, separatismo, at ekstrimismo, upang ipagtanggol ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio