“Limang balangkas ng kooperasyon,” magpapasulong ng ugnayan ng Tsina at Arabe sa bagong lebel - Wang Yi

2024-05-31 16:13:48  CMG
Share with:

Sinabi, Huwebes, Mayo 30, 2024 sa Beijing ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina sa ika-10 pulong ministeryal ng China-Arab States Cooperation Forum (CASCF) na ang “limang balangkas ng kooperasyon” na iminungkahi ng Tsina na makipagtulungan sa mga estadong Arabe ay magdadala sa kooperasyong Sino-Arabe sa bagong panahon tungo sa isang bagong lebel.

 


Sa kanyang keynote speech sa seremonya ng pagbubukas ng kumperensya, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na nakahanda ng makipagtulungan ang Tsina, kasama ng mga bansang Arabe, upang ilagay ang “limang balangkas ng kooperasyon” sa pagpapalakas ng pagtatatag ng komunidad ng may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at mga bansang Arabe.

 

Binubuo ang limang balangkas ng isang mas masiglang balangkas para sa inobasyon, mas pinalawak na balangkas para sa kooperasyon ng pinansiya at pananalapi, mas maraming balangkas para sa kooperasyon sa enerhiya, mas balanseng balangkas para sa ugnayan ng kabuhayan at kalakalan na may mutuwal na kapakinabangan, at mas malawak na balangkas para sa pagpapalitang tao-sa-tao.

 

Hinimok ni Wang ang magkakabilang panig na lalo pang palakasin ang estratehikong mutuwal na pagtitiwalaan at matatag na suportahan ang nukleong interes ng isa’t isa, palalimin ang pragmatikong kooperasyon at pasulungin sa mas mataas na lebel ang mutwal na kapakinabangan at win-win na resulta, palakasin ang internasyonal na kooperasyon at magkakasamang panatilihin ang tamang direksyon ng pandaigdigang pamamahala, at palakasin ang pagtatatag ng CASCF para magbukas ng mas malinaw na kinabukasan para sa komunidad ng may pinagbabahaginang kinabukasanng ng Tsina at mga bansang Arabe.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil