Tsina, nakahandang pasulungin ang relasyon sa India tungo sa direksyong malusog at matatag

2024-06-05 18:04:21  CMG
Share with:

Kaugnay ng tagumpay ng National Democratic Alliance (NDA) at Bharatiya Janata Party na pinamumunuan ni Punong Ministro Narendra Modi ng India sa halalan ng mababang kapulungan, ipinahayag ngayong araw, Hunyo 5, 2024 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pinansin ng panig Tsino ang resulta ng ika-18 halalan ng mababang kapulungan ng India at nagpadala ng pagbati para rito.


Ani Mao, nakahanda ang panig Tsino, kasama ng India, na magkasamang magsikap para pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa tungo sa malusog at matatag na direksyon.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil