Tsina at Amerika, nagkasundo na panatilihin ang komunikasyon sa pagkontrol sa droga

2024-06-07 16:04:21  CMG
Share with:

Sa isang video meeting Huwebes, Hunyo 6, 2024, sa pagitan nina Wang Xiaohong, Kasangguni ng Konseho ng Estado ng Tsina at Ministro ng Pampublikong Seguridad, at Alejandro Mayorkas, U.S. Homeland Security Secretary, nagkasundo ang Tsina at Amerika na panatilihin ang komunikasyon sa pagkontrol sa droga at kooperasyon sa pagpapatupad ng batas.

 

The inauguration of the China-U.S. Counternarcotics Working Group is held at the Diaoyutai State Guesthouse, Beijing, capital of China, January 30, 2024. /CFP


Sinabi ni Wang na kinakailangang palalimin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa mga larangang tulad ng pagkontrol sa droga, pagpapauwi ng mga ilegal na imigrante, at paglaban sa transnational crime, para matamo ang mas maraming bunga sa kooperasyon ng pagpapatupad ng batas.

 

Binigyan-diin ni Wang na dapat bigyang-halaga ng Amerika ang alalahanin ng Tsina at magpakita ng sinseridad sa pamamagitan ng mga kongkretong aksyon para pasulungin ang kooperasyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil