Kultura ng tradisyonal na pagbabatok, ibinahagi sa 2024 China Tattoo Convention

2024-06-11 18:08:14  CMG
Share with:


Ang taong 2024 ay  ASEAN-ChinaYear of People-to-people Exchanges.

 

Tulad ng alam natin, maraming pagkakapareho sa mga kultura ng Pilipinas at Tsina. Kabilang dito ang tradisyonal na pagbabatok.

 

Kilala ang mga kababaihang etniko ng Dulong at Dai mula sa probinsyang Yunnan at etnikong grupo ng Li mula sa probisyang Hainan sa katimugang bahagi ng Tsina sa kanilang mga tattoo, at maihahalintulad ito sa mga grupong etniko sa Cordillera ng Pilipinas.

 

Idinaos ang 2024 China Tattoo Convention mula Mayo 25-27 sa lunsod Langfang, lalawigang Hebei sa dakong hilaga ng Tsina. Bilang isa sa mga kinatawang Pilipino, lumahok sa naturang kombensyon si Wilma “Ate Wamz” Gaspili, Cordilleran Mambabatok, mula sa munisipalidad ng La Trinidad, lalawigang Benguet, hilagang bahagi ng Pilipinas.

 

Sa eksklusibong panayam ng China Media Group–Filipino Service (CMG-SF), ipinahayag ni Ate Wamz, na ito ang kanyang unang pagkakataon na makapunta ng Tsina at nagagalak siya na makadalo sa kombensyon .

 

Aniya, isang karangalan ang maimbitahan sa Ika-18 China Tattoo Convention para ibahagi ang kultura ng pagbabatok, isang tradisyonal na pamamaraan ng pag-ta-ttatoo mula sa rehiyon ng Cordillera, at natutuwa rin siya dahil marami siyang maibabahaging karanasan sa mga kababayang Igorot pagbalik niya ng Pilipinas.

 

Saad ni Ate Wamz, kahit hindi perpekto ang pamamaraan ng pagbabatok,  hinahangaan pa rin ito ng mga dayuhan dahil sa tingin nila “yan ang kagandahan ng tradisyonal na tattoo.

 

Sobrang pasasalamat sa mga Tsino’t Pilipinong tumanggap at sumuporta sa kanya para ipaliwanag at isalin ang mga kahulugan ng larawang tattoo sa wikang Tsino, dagdag niya.

 

Ulat/Video: Ramil Santos

Patnugot sa teksto: Jade

Patnugot sa website: Vera

Pasasalamat sa mga karagdagang larawan at video: Ate Wamz, Zhang Qitong, DJ Pelaez, Shaomei Ong