Bisita Be My Guest (BBMG), inilunsad sa Beijing

2023-03-14 10:25:01  CMG
Share with:

Sa pagtataguyod ng Tanggapan ng Kagawaran ng Turismo ng Pilipinas (DoT) sa Beijing, inilunsad Marso 11, 2023, sa Hilton Hotel, Beijing ang Bisita Be My Guest (BBMG).


Ang BBMG ay isang insentibong kampanya kung saan, ang mga Pilipino, OFWs, at mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa ay may pagkakataong manalo ng espesyal na papremyo sa pag-iimbita ng mga dayuhan na bumisita sa Pilipinas, upang i-promote ang turismo.  



 Bulwagan ng Bisita Be My Guest (BBMG)

 

Sa pambungad na pananalita, sinabi ni Dr. Erwin F. Balane, Tourism Attache, Tanggapan ng DoT sa Beijing, na ang pangunahing layon ng programa ng BBMG ay tipunin ang lahat ng mga Pilipino sa ibang bansa at gawin silang marketer ng tourism destination sa Pilipinas.

 

Dr. Erwin F. Balane, Tourism Attaché ng DoT-Beijing


Sinabi rin niya na ito ang masayang pagkakataon na muling magkita-kita at magsama-sama ang mga Pilipinong naninirahan sa iba’t ibang parte ng Tsina, mula sa tatlong taong restriksyon ng pamahalaan dahil sa pandemya.  

 

Layon din ng programa na ipakilala sa Filipino community si Jaime“Ka Jimi”A. FlorCruz, bagong Embahador ng Republika ng Pilipinas sa Tsina, at ang kanyang butihing maybahay na si Madam Anna Segovia FlorCruz.

 

Kagalang-galang na Embahador Jaime FlorCruz at  ang kanyang kabiyak na si Anna Segovia FlorCruz

 

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Embahador FlorCruz na lubos niyang ikinagagalak na maluklok at ipinagmamalaki na makapaglingkod bilang bagong embahador sa Tsina, at ipinagmamalaki din niya ang kanyang kabiyak na si Anna Segovia FlorCruz.

 

 

Pagtalumpati ni Embahador Jaime A. FlorCruz


Binati at pinasalamatan din ng embahador ang mga kinatawan ng DoT sa Beijing, sa pamumuno ni Dr. Erwin, para sa matagumpay na paglunsad ng kampaya ng BBMG.

 

Sa muling pagpapatuloy ng paglalakbay at paggalugad, binigyan-diin ng embahador ang mga kahanga-hangang alok ng turismo ng Pilipinas at inanyayahan ang mga panauhing dayuhan na maglakbay sa Pilipinas ngayon 2023.

 

Saad niya,“ipamalas natin ang kahanga-hangang tanawin ng Pilipinas sa ating mga dayuhang kaibigan dito sa Tsina, mula sa kamangha-manghang tanawin, kahanga-hangang pagkain, Picture-Perfect Destinations na pinangungunahan ng magigiliw na ngiti at mainit na pagtanggap ng mga Pilipino. ”

 

Saad din niya, dapat salubingin ang mga turistang dayuhan ng kakaibang uri ng saya na dulot ng natatanging Pilipino, matatamis na ngiti, at maalab na pakikipagkapwa.

 

Dagdag pa niya, sa pagdating at paglapag ng mga dayuhan sa Pilipinas, iparamdam sa kanila ang mainit na pagtanggap ng mga Pilipino, habang binibigkas ang mga katagang na gaya ng“Bisita Be My Guest at Maligayang Pagdating sa Pilipinas. ”


 

Mga multikultural na pamilya

 

Mga Pilipinong iskolar sa Beijing


Bukod sa matataas na opisyales mula sa embahada at DoT-Beijing, dinaluhan din ang programa ng mga multikultural na pamilya, OFWs mula sa Beijing at Tianjin, at mga Pilipinong iskolar mula sa iba’t ibang unibersidad.

 

 

Mga Pilipinong sumasayaw


 

Charmaine Magbuhos, nakatanggap ng premyo mula DoT-Beijing


 

Rain, batang Tsinong tumutugtog ng ukelele


Samantala, nagbigay-aliw ang programa sa pamamagitan ng pagtugtog ng banda, iba’t ibang palaro, pagtatanghal, at papremyo sa mga masuwerteng nabunot ang numero.


 

Kumakanta ang embahador ng The Moon Represents My Heart


Nagbigay-aliw din ang embahador sa pagkanta ng sikat na awiting Yue Liang Dai Biao Wo De Xin o The Moon Represents My Heart, sa magkakaibang bersyon ng Tagalog, Ingles, at Intsik.

 

Natapos ang programa ay may iniwang saya at nigiti sa bawat isa at umaasang muling makakapagbigay ng kasiyahan at kagalakan na makapaglingkod sa mga darating na dayuhang turista.

 

Ulat/Potograpo: Ramil Santos

Patnugot sa teksto at website: Jade

Larawan: DOT-Beijing