Mahigit 5 milyong person-time, pumasok at lumabas sa Tsina noong Dragon Boat Festival

2024-06-11 15:49:37  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag ngayong araw, Hunyo 11, 2024 ng National Immigration Administration ng Tsina (NIA), sa katatapos na Dragon Boat Festival ng Tsina mula Hunyo 8 hanggang 10, mahigit 5.7 milyong person-time ang lumabas at pumasok na mga Tsino at dayuhan sa Tsina.

 

Ang bilang na ito ay lumaki ng 45.1% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2023.

 

Ayon pa sa pahayag ng NIA, maayos at ligtas ang naging takbo ng mga daungan sa hangganan ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil