Espesyal na programa hinggil sa Dragon Boat Festival, isasahimpapawid ng CMG

2024-06-07 14:33:35  CMG
Share with:

Isasahimpapawid Hunyo 10, 2024 ng China Media Group (CMG) ang espesyal na programa hinggil sa Dragon Boat Festival, para ipakita ang mayamang kultural na tradisyon at likas na tanawin ng Tsina.


Kabilang sa programang ito ay ang tradisyonal na dula, katutubong musika, musical, at maiksing pelikula.


Gaganapin ang programang ito sa Lunsod Yichang ng lalawigang Hubei sa gitna ng Tsina, bayang sinilangan ni Qu Yuan, isang manunulat na ginugunita tuwing pestibal na ito.

 

Ang ikalimang araw ng ikalimang buwan ng Kalendaryong Tsino ay ang Dragon Boat Festival. Sa taong 2024, natatapat ito sa Hunyo 10 sa Kalendaryong Gregorian. 


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Jade