Ika-14 na Beijing International Film Festival, binuksan

2024-04-19 16:33:41  CMG
Share with:


Binuksan Abril 18, 2024, sa Beijing ang Ika-14 na Beijing International Film Festival (BJIFF), na ang seremonya ng pagbubukas sa red carpet ay dinaluhan ng mga Tsino at dayuhang filmmaker.

 

Sa seremonya ng pagbubukas, nagtalumpati si Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG), at ibinahagi ang kaniyang pananaw sa industriya ng pelikulang Tsino.

 

Ngayong taon, nakatanggap ang Tiantan Award ng kahanga-hangang 1,509 kalahok mula sa 118 bansa at rehiyon, na lumikha ng bagong rekord sa pagsali at sinasaklaw nito ang malawak na hanay ng mga genre at tema, na nagpapakita ng pandaigdigang pagkakaiba-iba ng sinehan.

 

Para markahan ang ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pransya, isang French film week ang idinaraos mula Abril 18 hanggang 26.

 

Ipakikilala din ng Ika-14 na BJIFF ang kauna-unahang "Film Season for Diplomats," gamit ang pelikula bilang midyum para pasulungin ang internasyonal na diyalogo at pagpapalitang kultural.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Ramil