Seremonya ng Ika-4 na “Award for Promoting Philippines-China Understanding,” matagumpay na pinasinayaan

2024-06-08 18:27:40  CMG
Share with:

Manila, Hunyo 7, 2024 — Magkasamang idinaos ng Embahadang Tsino sa Pilipinas at Association for Philippines- China Understanding (APCU) ang seremonya ng paggagawad ng Ika-4 na “Award for Promoting Philippines-China Understanding.”


Dumalo rito sina Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas, at mahigit 300 personahe mula sa iba’t-ibang sirkulo ng Pilipinas.

Sa kanyang video speech sa seremonya, ipinahayag ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas, na kinakaharap ng kasalukuyang daigdig ang napakalaking hamon.


Inaasahan aniya niyang patuloy na ipagtatanggol ng mga di-pampamahalaang organisasyong tulad ng APCU at mga kumuha ng gantimpala ang kapayapaan, katatagan, at kaunlarang pandaigdig.


Sa kanyang video speech, ipinahayag ni Francis “Chiz” G. Escudero, Presidente ng Senado ng Pilipinas, na ang alitan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina ay hindi dapat maging sanhi ng di-pagkakaunawaan ng kapuwa panig. Dapat aniyang panatilihin ng Pilipinas at Tsina ang pagkokoordinahan at diyalogo para malaman kung paano maiiwasan ang sagupaan.


Sa kanya video speech, ipnahayag ni Senador Christopher Lawrence "Bong" T. Go na ang mga kumuha ng gantimpala ay hindi lamang nakapaglatag ng landas para sa kasaganaan at harmoniya ng Pilipinas at Tsina, kundi nakapagbigay din ng modelo para sa pagpapasulong ng pagkakaunawaan ng kapuwa panig.


Ipinanawagan din niya ang magkasamang pagsisikap ng dalawang bansa upang makalikha ng mas maliwanag at magkaisang kinabukasan.


Sa kanyang video speech naman, ipinahayag ni Embahador Jaime A. FlorCruz ng Pilipinas sa Tsina, na bagama’t may hadlang ngayon sa bilateral na relasyong Pilipino-Sino, nananatili pa ring matibay ang partnership ng dalawang bansa.


Nanawagan siyang magkasamang magpunyagi ang dalawang panig upang maisakatuparan ang kapayapaan, katatagan, at kasaganaan para sa mga mamamayang Pilipino at Tsino.

Sa kanyang talumpati sa seremonya, ipinahayag ni Embahador Huang na ang “Award for Promoting Philippines-China Understanding” ay nagsisilbing mahalagang proyekto para sa pagpapalalim ng tradisyonal na pagkakaibigan at pagpapasulong ng pag-uunawaang Sino-Pilipino.


Sinabi ni Huang na nitong 4 na taong nakalipas, nakuha ng 33 Pilipino ang gantimpalang ito. Sila aniya ay nagsisilbing tagapagpasulong sa pagkakaibigang Sino-Pilipino na may mahigit isang libong taon.


Ipinagdiinan din niya na tulad ng sinabi ni Escudero, bilang kapitbansa, di maiiwasang umiral ang ilang alitan at nagkakaibang posisyon sa ilang isyu sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.


Ngunit hindi dapat ito maging sanhi ng pagganap ng sagupaan ng kapuwa bansa, ani Huang.


Palagian aniyang naninindigan ang panig Tsino na dapat unawain at igalang ng dalawang bansa ang isa’-tisa, at dapat maayos na kontrolin at hawakan ang alitan sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian para mapasulong pa ang malusog at matatag na pag-unlad ng bilateral na relasyon.


Sa ngayon, muling nasa masusing crossroad ang relasyong Sino-Pilipino, at inaasahan ng panig Tsino na lalahok ang mas maraming personahe ng iba’t-ibang sirkulo ng dalawang bansa sa usapin ng pagkakaibigang Sino-Pilipino para maproteksyunan at maipagtuloy ang pagkakaibigang Sino-Pilipino, diin pa niya.

Ang “Award for Promoting Philippines-China Understanding” ay magkasanib na itinataguyod ng Embahadang Tsino sa Pilipinas at APCU na naglalayong bigyan ng parangal ang mga indibiduwal at organisasyong may namumukod tanging ambag sa pagpapasulong ng pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayang Sino-Pilipino.


Sa kasalukuyang taon, 6 na personaheng Pilipino ang nakatanggap ng gantimpalang ito.


Salin: Lito

Pulido: Ramil