Ipinagdiwang, Hunyo 9, 2024 sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing, ang ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na may temang “Kumustahan sa Pasuguan: 126th Independence Day and Migrant Workers Day Celebration.”
Pagbibigay talumpati ni Embahador Jaime A. FlorCruz
Sa kanyang pambungad na pananalita, sinabi ni Jaime A. FlorCruz, Embahador ng Pilipinas sa Tsina na nagagalak siyang makita ang mga Pilipinong naninirahan sa Tsina na ipagdiwang ang ika-126 na taong anibersaryo ng kalayaan at pagkatatag ng bansang Pilipinas, at gunitain ang araw ng mga manggagawa sa ibayong bansa o Overseas Filipino Workers’ Day.
Aniya, nais niyang gamitin ang okasyong ito para alamin ang kasalukuyang sitwasyon at kalagayan ng mga kababayang Pilipino para lubos na makapagbigay ng serbisyong tama at sapat, alinsunod sa ang kampanyang Bagong Pilipinas na inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ng Pilipinas.
Embahador Jaime A. FlorCruz at Madam Ana Segovia FlorCruz, kasama ng Filipino Community
Sinabi rin niyang ang lahat ng mga Pilipino ay may responsibilidad sa pamahalaan at sa sarili, kailangang ugaliin na tumayo sa sariling paa at mag-ambag sa bayan sa abot ng makakaya. Bilang sukli, ang pamahalaan ay magsisilbing sandigan sa panahon ng pangangailangan, dagdag pa niya.
Kaugnay nito, hinikayat ni Embahador FlorCruz ang mga Pilipino na magparehistro para sa darating na Eleksyon 2025 at mayroong Overseas Registration Drive na pwedeng bisitahin.
Mga Pilipinong estudyante
“Lahat po tayo ay may sagradong karapatan at responsibilad na gamitin ang balota para pumili ng ating lidirato, huwag nating sayangin ito at bumoto po tayo,” diin ni Amb. FlorCruz.
Paghihiwa ng lechon nina Embahador Jaime A. FlorCruz at Madam Ana Segovia FlorCruz
Mga iba’t ibang produkto at tradisyunal na kagamitan
Mga iba’t ibang pagkaing Pilipino
Samantala, itinampok sa pagdiriwang ang nakaugaliang paghihiwa ng lechon, at iba’t ibang produkto’t pagkain na gaya ng tradisyunal na kasuotan, pamaypay, inumin, kakanin, serbesa, sitsirya at marami pang iba.
Pagbabatok ni Wilma “Ate Wamz” Gaspili
Ipinagmalaki rin sa naturang selebrasyon ang pagbabatok, isang tradisyonal na pamamaraan ng pag-ta-ttatoo, ni Wilma “Ate Wamz” Gaspili, isang mambabatok mula sa probinsyang Benguet, Rehiyong Administratibo ng Cordillera.
Paglalaro ng basagang palayok ng mga bata
Paglalaro ng pabitin para sa mga bata
Paglalaro ng hilahan ng lubid
Hindi rin nawala sa pagdiriwang ang iba’t ibang palaro na gaya ng pabitin, karera ng sako, hilahan ng lubid, at basagang palayok.
Mga batang sumasayaw
Pagkanta ni Michelle Villegas, isang Pilipinong guro
Bukod dito nagpakitang gilas din ang ilang mga Pilipino ng kanilang angking galing sa pamamagitan ng pagsasayaw, pagkanta at pagpapasaya na hinangaan at pinalakpakan ng mga manonood.
Ulat/Larawan/Video: Ramil Santos
Patnugot sa teksto: Jade
Patnugot sa website: Vera