Pagdiriwang sa Pestibal ng Duanwu, idinaos sa tahanan ni Sarah Lande, Amerikanong kaibigan ng Tsina

2024-06-12 10:09:12  CMG
Share with:

Bilang pagdiriwang sa Pestibal ng Duanwu, na kilala rin bilang Pestibal ng Bangkang Dragon, isang aktibidad na kinatatampukan ng mga pagkain at tradisyonal na kulturang Tsino ang idinaos, Hunyo 10, 2024 (lokal na oras) sa tahanan ni Sarah Lande, sa Estado ng Iowa, Amerika.

 

Si Lande ay Amerikanog kaibigan ng Tsina, at tumanggap kay Pangulong Xi Jinping nang siya ay nanatili sa Amerika noong 1985 at 2012.

 

Dumalo sa aktibidad ang mga kinawatan ng China Media Group (CMG), Konsulada Heneral ng Tsina sa Chicago, at mga Amerikanong kaibigan.

 

Samantala, sa liham na ipinadala ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, sinabi niyang kasama ni Lande at iba pang mga Amerikanong kaibigan, nais isulong ng CMG ang pagkaka-unawaan at pagkakaibigan ng mga Tsino’t Amerikano.

Naunra rito, pinagtibay noong Hunyo 7 ng Ika-78 Sesyon ng United Nations General Assembly (UNGA) ang panukalang isinumite ng Tsina para itakda ang Hunyo 10 bilang “International Day for Dialogue Among Civilizations.”

 

Ang Pestibal ng Duanwu ay isa sa mga pinakamahalagang tradisyunal na kapistahan ng Tsina, at ipinagdiriwang tuwing ika-5 araw ng ika-5 buwan ng Tradisyunal na Kalendaryong Tsino.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio