Mensaheng pambati, ipinadala ni Xi Jinping sa ika-60 anibersaryo ng UNCTAD

2024-06-13 14:01:08  CMG
Share with:

Sa kanyang naka-video na talumpati, Hunyo 12, 2024 para sa ika-60 anibersaryo ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD), tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na aktibong pinasulong ng UNCTAD ang South-South cooperation at North-South dialogue nitong nakaraang 60 taon.

 

Nagbigay rin aniya ito ng mahalagang kontribusyon sa pandaigdigang kaunlaran at kalakalan.

 

Ani Xi, kinakaharap ngayon ng kalagayang pandaigdig ang mga bagong hamon kaya kailangang likhain ang pandaigdigang kapaligiran ng mapayapang pag-unlad, sundin ang agos ng panahon sa pagbubukas at pag-unlad, at samantalahin ang historikal na pagkakataon ng inobasyon at pag-unlad.

 

Ang konstruksyon ng modernisasyong Tsino ay magkakaloob ng bago at malaking pagkakataon para sa pag-unlad ng daigdig, aniya pa.

 

Saad ni Xi, aktibong palalawakin ng Tsina ang pag-aangkat ng mga produkto ng mga umuunlad na bansa, at palalakasin ang kalakalan, pamumuhunan at kooperasyon.

 

Kasama ng iba’t-ibang panig, nakahanda aniyang isulong ng Tsina ang pag-unlad ng daigdig tungo sa kapayapaan, seguridad, kasaganaan at kaunlaran.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio