Tuluy-tuloy, malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at New Zealand, pasusulungin

2024-06-13 16:36:42  CMG
Share with:

Wellington, New Zealand - Sa kanilang pag-u-usap Huwebes, Hunyo 13, 2024, napagkaisahan nina Premyer Li Qiang ng Tsina at Punong Ministro Christopher Luxon ng New Zealand na igiit ang pangangasiwa sa bilateral na relasyon batay sa estratehiko’t pangmalayuang anggulo; pagpapalawak sa bilateral na kalakalan, pamumuhunan at kooperasyon; at walang humpay na pagpapalalim sa pagpapalitang tao-sa-tao.

 

Anila, walang humpay silang magpupunyagi upang mapangalagaan ang multilateralismo at malayang kalakalan, at mapasulong ang tuluy-tuloy, malusog at matatag na pag-unlad ng bilateral na relasyon.

 

Sumang-ayon din ang dalawang lider na simulan ang talastasan sa negatibong listahan ng kalakalan ng serbisyo.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio