Sinabi Biyernes, Hunyo 14, 2024 ni Premyer Li Qiang ng Tsina na ang pag-a-upgrade ng ekonomikong estruktura ng Tsina ay magdudulot ng mga makabagong pagkakataon para sa pag-unlad ng buong mundo.
Winika ito ni Li sa pakikipag-usap sa mga kinatawan ng sirkulong industriyal at komersyal ng New Zealand, sa panahon ng kanyang opisyal na pagdalaw sa bansa.
Tinukoy niyang ang pag-a-upgrade ng konsumo ay makakapagpasigla ng makabagong pangangailangan sa merkado; ang pag-a-upgrade ng industriya ay lilikha ng makabagong larangan ng kooperasyon; at ang pag-a-upgrade ng kalakalan ay makakapagpalawak ng makabagong espasyo ng paglago.
Aniya, sa mula’t mula pa’y nananatiling bukas ang merkadong Tsino sa mga kompanya ng iba’t ibang bansang kinabibilangan ng New Zealand.
Ibayo pang palalawakin ng Tsina ang market access, lilikhain ang marketisado, legalisado, internasyonalisadong kapaligirang pang-negosyo, at ipagkakaloob ang mas maraming suporta’t ginhawa para sa pamumuhunan ng mga kompanyang may puhunang dayuhan, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Ramil