Mga patakaran para sa pagsusuri ng pantay na kompetisyon, inilabas ng Tsina

2024-06-14 16:42:01  CMG
Share with:

Nilagdaan ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang isang utos ng Konseho ng Estado na nagpapakilala sa mga regulasyon para sa pagsusuri ng pantay na kompetisyon. 

 

A view of the central business district in Beijing, China, May 1, 2024. /CFP


Batay sa mga regulasyon, mula Agosto 1, 2024, ang mga administratibong ahensya at organisasyong binigyang-awtorisasyon, alinsunod sa batas, para mangasiwa ng mga suliraning pampubliko, ay dapat magsagawa ng pantay na kompetisyon kapag bumubuo ng mga batas, mga panuntunan at polisya na may kinalaman sa aktibidad ng negosyo. 


Nangako ang pamahalaang Tsino na aalisin ang mga regulasyon at aksyon na humahadlang sa isang pinag-isang merkado para matiyak na ang lahat ng uri ng negosyo ay maaaring lumahok sa pantay na kompetisyon at mas mahusay na maprotektahan ang lehitimong karapatan at interes ng lahat ng mga entidad ng negosyo. 


Salin:Sarah 

Pulido:Ramil