Hunyo 15, 2024, lunsod Xiamen, lalawigang Fujian, timog silangan ng Tsina – Sinabi ni Wang Huning, Tagapangulo ng Pambansang Komite ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC), sa pangunahing pulong ng Ika-16 na Straits Forum, na may determinasyon, kompiyansa, at kakayahan ang Tsina na biguin ang anumang tangka sa “pagsasarili ng Taiwan.”
Nanawagan si Wang sa mga kababayan ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait, na matatag na tutulan ang “pagsasarili ng Taiwan” at pakikialam mula sa labas ng bansa, matibay na ipagtanggol ang komong tahanan ng nasyong Tsino, magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katahimikan sa Taiwan Strait, at magkasamang isulong ang relasyon ng magkabilang pampang pabalik sa tamang landas.
Ipinahayag din niya ang mainit na pagtanggap sa paglahok ng mga kababayang Taywanes sa pagpapalitan, pagtutulungan, at komong pag-unlad ng magkabilang pampang, para ibahagi ang mga pagkakataong likha ng modernisasyong Tsino, at ang karangalang dulot ng pag-unlad ng nasyong Tsino.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan