Ipinahayag Hunyo 17, 2024, ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Minsitring Panlabas ng Tsina, na sa isyu ng South China Sea (SCS), iginigiit ng Tsina ang maayos na paghawak sa mga pagkakaibang may kinalaman sa dagat sa pamamagitan ng negosasyon sa mga kinauukulang bansa, at kasabay nito ay determinado ang Tsina na tugunan ang anumang paglabag at probokasyon sa dagat.
Tinukoy ni Lin na nitong Hunyo 17, 2024, pumasok ang isang supply vessel at dalawang speed boat ng Pilipinas sa karatig na katubigan ng Ren’ai Jiao ng Nansha Qundao ng Tsina, nang walang pahintulot ng gobyerno ng Tsina at nagtangkang maghatid ng mga materyales, kabilang na ang mga materiyal na pangkonstruksyon, sa ilegal na nakasadsad na bapor pandigma ng Pilipinas sa Ren’ai Jiao.
Isinagawa ng China Coast Guard (CCG) ang mga kinakailangang hakbangin ng pagkontrol sa mga barko ng Pilipinas alinsunod sa batas at ito ay propesyonal, mapagpigil, makatwiran at legal, saad pa niya.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil