MOFA: Matatag na tinututulan ang pandudungis ng Amerika sa imahe ng ibang bansa

2024-06-18 16:12:50  CMG
Share with:

 

Naglabas kamakailan ng ulat ang Reuters na nagsasabing noong panahon ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), isinagawa ng Pentagon ng Amerika ang isang sekretong online campaign laban sa Tsina para maghasik ng pagdududa sa kaligtasan at silbi ng CoronaVac ng Tsina.

 

Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, Hunyo 17, 2024 ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na muling pinapatunayan ng katotohanang ito na madalas na nagkakalat ang Amerika ng mga pekeng impormasyon sa pamamagitan ng social media para dungisan ang imahe ng ibang bansa at matatag na tinututulan ito ng panig Tsino.

 

Aniya, bukod sa bakuna ng COVID-19 virus, nagkalat din ang Amerika ng pekeng impormasyon hinggil sa Belt and Road Initiative at de-kuryenteng sasakyan ng Tsina.

 

Saad niya, ang mga aksyon ng Amerika ay nagpapakita ng sariling hegemonismo at pekeng kabaitan.

 

Dapat mag-ingat ang komunidad ng daigdig sa ganitong mga aksyon ng Amerika, dagdag ni Lin.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil