Inulat kamakailan ng Reuters ng Britanya na noong panahon ng pandemiya ng COVID-19, ginamit ng panig militar ng Amerika ang mga Pilipino sa pagpapalaganap ng mga pekeng impormasyon sa mga social media platform na ang bakuna at materyales kontra epidemiya na gawang Tsino ay di-ligtas para mag-udyok ng walang tiwala at takot sa mga Pilipino sa bakunang Tsino, na nagdulot sa Pilipinas sa pagiging isa sa mga bansang may pinakamababang bilang ng pagbabakuna at pinamakataas na bilang ng namamatay sa Timog Silangang Asya.
Kaugnay nito, ipinahayag Hunyo 18, 2024, ng Embahadang Tsino sa Pilipinas na bilang responsableng malaking bansa, aktibong ipinagkaloob ng Tsina ang mga pandaigdigang publikong produkto na gaya ng mga bakuna sa iba’t ibang bansa sa panahon ng pandemiya ng COVID-19, at unang bansa na nagkaloob ng mga bakuna at materyales kontra pandemiya sa Pilipinas.
Pero, binalewala ng Amerika ang buhay at kalusugan ng mga Pilipino at pinigilan na tumanggap ang mga Pilipino ng tulong mula sa Tsina dahil sa layuning heopolitikal. Niluto ang mga kasinungalingan sa mga pangunahing isyung may kinalaman sa pandaigdigang pampublikong kalusugan na tulad ng bakuna ng COVID-19.
Dapat manatiling mapagbantay and dalawang bansa, at labanan ang pekeng impormasyon para magkasamang mapangalagaan ang relasyong Sino-Pilipino at kapayapaan at katatagan ng South China Sea, dagdag ng embahadang Tsino.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil