Sa paanyaya ni Anwar Ibrahim, Punong Ministro ng Malaysia, dumating kagabi, Hunyo 18, 2024 sa Kuala Lumpur si Premyer Li Qiang ng Tsina para isagawa ang opisiyal na pagdalaw sa bansang ito.
Ipinahayag ni Li na noong nakaraang 50 taon, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Malaysia, nananatiling malusog ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa at ito ay nagbigay ng positibong ambag para sa kaunlaran at kapayapaan ng rehiyong ito.
Tinukoy ni Li na kasama ng Malaysiya, nakahanda ang panig Tsino na sa bagong starting point ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, ibayo pang pahigpitin ang pag-uugnayan sa estratehiyang pangkaunlaran, palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at pasulungin ang pagpapalitan ng sibilisasyon.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil