Tsina sa Pilipinas: Agarang itigil ang probokasyon at panghihimasok sa SCS

2024-06-19 16:50:52  CMG
Share with:

Kaugnay ng pananalita ng panig militar ng Pilipinas na nagsasabing sumampa ang China Coast Guard (CCG) sa bapor ng Pilipinas sa katubigan ng Ren’ai Jiao at sinamsam ang mga sandata ng panig Pilipino, ipinahayag ngayong araw, Hunyo 19, 2024 ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nagbulag-bulagan ang panig Pilipino sa ibinigay na payo ng panig Tsino at buong tigas na pumasok sa katubigan ng Ren’ai Jiao ng Nansha Qundao ng Tsina.

 

Ito aniya ay direktang dahilan ng insidenteng ito.

 

Hinimok aniya ng Tsina ang Pilipinas na agarang itigil ang mga probokasyon at panghihimasok sa South China Sea (SCS).

 

Sinabi niya na patuloy at matatag na pangangalagaan ng panig Tsino ang sariling karapatan ng soberanya batay sa batas.

 

Inilahad ni Lin na ang mga aksyon ng CCG sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ay propesyonal at mapagtimpi. Layon nito aniya na magpigilan ang iligal na paghahatid ng mga suplay sa bapor pandigma ng Pilipinas, at hindi isinagawa ng CCG ang direktang hakbangin laban sa mga tauhan ng panig Pilipino.

 

Saad pa niya, na kahit ipinahayag ng Pilipinas ang pagpapadala ng mga kagamitang pampamumuhay, ang katotohanan ay palagiang naghahatid ang Pilipinas ng mga materyales na pangkonstruksyon, higit pa ng mga sandata.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil