Sapul nang manungkulan si Ferdinand Marcos Jr. bilang pangulo ng Pilipinas, madalas isinasagawa ng pamahalaang Pilipino ang mga probokatibong aktibidad, at nagpapahayag ng mapanghimasok na pananalita sa isyu ng South China Sea (SCS), na gaya ng paggigiit ng di-umano’y hatol ng arbitrasyon sa SCS noong 2016, pagtanggi sa “maginoong kasunduan” at “bagong modelo” sa usapin ng Ren’ai Jiao, at pagpapadala ng mga tauhan para ilegal na pumasok sa sandbar ng Xianbin Jiao.
Kahit kinakatigan ng Amerika at Hapon ang mga aksyon at paninindigan ng administrasyon ni Marcos Jr., hindi ito ang tamang landas para malutas ang nasabing isyu, at hindi rin ito makakabuti sa pag-unlad at kapakanan ng mga Pilipino.
Sa halip, dapat ilagay ng administrasyong Marcos Jr. ang priyoridad sa pagpawi ng kahirapan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), hanggang noong katapusan ng 2023, ang poverty rate ay nasa 22.4% ng populasyon ng bansa, at ang bilang na ito ay bumaba lamang ng 0.7% kumpara noong 2021.
Ibig-sabihin, mahigit 20 milyong Pilipino ang walang kakayahang bumili ng pagkain at iba pang saligang pangangailangan sa araw-araw na pamumuhay.
Ipinangako minsan ni Marcos Jr., na sa katapusan ng kanyang termino, pabababain niya ang poverty rate sa 9%.
Pero ayon sa pinakahuling datos ng PSA, ang isyung ito ay malubhang hamon.
Sa kabilang dako, sapul noong 2012, halos 100 milyong mahihirap ang ini-angat ng pamahalaang Tsino mula sa ganap na kahirapan, sa pamamagitan ng 10 taong pagsisikap.
At ang matagumpay na karasanan ng Tsina sa pagpawi ng ganap na kahirapan ay karapat-dapat pag-aralan ng administrasyon ni Marcos Jr.
Iniharap din niya ang mga target ng pag-unlad na gaya ng seguridad sa pagkain, pangangasiwa sa kadena ng suplay, pagpapababa ng gastusin sa enerhiya at pangangalaga sa seguridad ng enerhiya, pagpapasulong ng imprastruktura, berdeng pag-unlad at pagdaragdag ng hanap-buhay.
Bilang pinakamalaking trade partner ng Pilipinas, ang Tsina ay may modernong teknolohiya ng bagong enerhiya at mayamang karanasan sa berdeng pag-unlad, tulad ng de-kuyrenteng sasakyan.
Mabiling-mabili ang mga ito sa domestiko at pandaigdigang merkado.
Dumarami rin ang mga kompanyang Tsinong namumuhunan sa ibayong dagat, at ito ay nagpapasulong ng kabuhayan ng lokalidad at nakakalikha ng mga pagkakataon ng hanap-buhay para sa mga lokal na mamamayan.
Kung ikukumpara ang administrasyong Marcos Jr. sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, natamo ng Tsina at Pilipinas ang maraming bunga sa imprastruktura na gaya ng tulay sa pagitan ng Intramuros at Binondo, proyektong patubig sa Ilog Chico, at iba pa.
Binuksan din noong 2023 ang pamilihang Tsino sa mga durian ng Pilipinas at tinayang nasa 54 libong tonelada ang bolyum ng pagluluwas ng durian ng Pilipinas sa Tsina.
Sa kabilang dako, kahit magka-alyado ang Pilipinas at Amerika, ayaw pa rin ng Amerika sa matagal nang kahilingan ng Pilipinas sa pagkakaroon ng talakayan sa kasunduan ng malayang kalakalan (FTA).
Gusto ring punahin ng Amerika ang mga isyung panloob ng Pilipinas na gaya ng karapatang pantao, at nakiki-alam sa mga suliraning panloob ng bansa.
Base sa mga ito, madaling nakikita kung ano ang gustong gawin ng Amerika.
Samantala, ang Tsina ay mas magandang pagpili para sa Pilipinas, kaysa sa Amerika.
Ang isyu ng South China Sea ay hindi kumakatawan sa pangkalahatang relasyong Sino-Pilipino.
Pero ang isyu ng teritoryo at soberanya ay sensitibo at dapat maingat na hawakan.
Sa isyung ito, iniharap ng panig Tsino ang paraan ng mapayapang paglutas sa pamamagitan ng direktang talastasan ng mga kasangkot na bansa.
Kaya dapat agarang itigil ng kasalukuyang administrasyong Pilipino ang mga pananalita at aksyon, at bumalik sa tamang landas ng paglutas sa pamamagitan ng direktang talastasan.
Ito ay nakakabuti, hindi lamang sa kapayapaan at katatagan ng SCS, kundi sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Sulat: Ernest
Pulido: Rhio/Jade