Bilateral na kooperasyon ng Tsina at Malaysia, palalakasin at palalalimin

2024-06-19 15:58:10  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap Miyerkules, Hunyo 19, 2024 kay Punong Ministro Anwar Ibrahim ng Malaysia, inihayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang kahandaan ng bansa na pahigpitin ang kooperasyon sa Malaysia sa mga multilateral na larangan, at magkasamang pangalagaan ang katayuan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) bilang sentro ng kooperasyong panrehiyon.

 

Inulit naman ni Anwar ang pananangan ng kanyang bansa sa prinsipyong isang-Tsina, pagsuporta sa pagsasakatuparan ng Tsina ng reunipikasyon, at pagtutol sa anumang pananalita at kilos na naghahangad ng “pagsasarili ng Taiwan.”

 

Kapuwa sinang-ayunan nilang buong tatag na palalakasin at palalalimin ang bilateral na kooperasyon, tuluy-tuloy at pasusulungin ang de-kalidad na pagpapatupad ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), at pabibilisin ang negosasyon sa bersyong 3.0 ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA), at bubuuin ang mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at ASEAN.

 

Nagkaisa rin ng palagay silang dapat independiyente’t maayos na hawakan ng Tsina at kaukulang bansang ASEAN ang isyu ng South China Sea, kontrolin ang mga kontradiksyon at alitan, pasulungin ang diyalogo’t kooperasyon, at igiit ang pangkalahatang direksyon ng bilateral na solusyon sa mga problema.

 

Pagkatapos ng pag-uusap, magkasamang sinaksihan nina Li at Anwar ang pagpapalitan ng mga dokumento ng bilateral na kooperasyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil