Canberra, Australia – Sa kanyang pakikipagtagpo kina Sue Lines, Presidente ng Senado at Milton Dick, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Australya Lunes, Hunyo 17, 2024, tinukoy ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na kailangan ang magkasamang pagsisikap upang matamo ang mas malaking pag-unlad ng ugnayang Sino-Australyano.
Napakahalaga ng papel ng mga organong lehislatibo ng dalawang bansa sa prosesong ito, dagdag niya.
Ani Li, may lubos na pagkukumplemento ang kabuhayan ng Tsina at Australya, at malawak ang espasyo ng kooperasyon, kaya umaasa siyang aktibong susuportahan ng Parliamentong Pederal ng Australya ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa, at ipagkakaloob ang mainam na garantiyang pambatas at atmosperang pulitikal para rito.
Suportado aniya ng Tsina ang pagpapalakas ng pagpapalitan ng mga organong lehislatibo ng dalawang bansa, at winewelkam ang mas madalas na pagbisita ng mga senador ng Australya sa Tsina, para malaman ang pag-unlad at pagbabago ng Tsina, at magampanan ang positibong papel sa pagpapabuti ng tumpak na kaalaman sa isa’t-isa.
Inihayag naman ng panig Australyano, na malugod nilang nakita ang pananatiling matatag at mainam ng pag-unlad ng bilateral na relasyon ng dalawang panig.
Nakahanda anila ang Parliamentong Pederal ng Australya na palakasin ang pakikipagdiyalogo at pakikipag-ugnayan sa panig Tsino, upang pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng relasyong Sino-Austalyano, at ihatid ang benepisyo sa mga Australyano at Tsino.
Salin: Vera
Pulido: Rhio