Ipinahayag Hunyo 18, 2024, ni Geng Shuang, Pirmihang Pangalawang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN) na ang agarang tigil-putukan at digmaan, at ang pagtatatag ng balanse, mabisa at sustenableng balangkas ng seguridad ng Europa ay angkop sa komong interes ng iba’t ibang kinauukulang panig at ito rin ang komong inaasahan ng komunidad ng daigdig.
Sinabi ni Geng na magkasamang isumite kamakailan ng Tsina at Brazil ang “six-point consensus” hinggil sa krisis ng Ukraine na binibigyang-diin ang diyalogo bilang tanging paraan ng paglutas sa krisis. Dapat gumawa ang iba’t ibang panig ng mga kondisyon sa pagpapanumbalik ng direktang diyalogo at pasulungin ang pagpapahupa ng kalagayan hanggang marating ang komprehensibong tigil-putukan.
Saad ni Geng, nananawagan ang Tsina sa mga may kinalamang bansa na panatilihin ang obdyektibo at patas na posisyon, at gumawa ng mga paborableng kondisyon para sa paglutas sa krisis ng Ukraine sa paraang pulitikal.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil