Tsina, dadalo sa pulong ng mataas na opisiyal hinggil sa kooperasyon ng Silangang Asya

2024-06-05 17:53:10  CMG
Share with:

Ipinahayag ngayong araw, Hunyo 5, 2024 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang delegasyong Tsino na pamumunuan ni Sun Weidong, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, ay dadalo sa serye ng pulong ng mga matataas na opisyal ng ASEAN, Tsina, Hapon, at Timog Korea, pulong ng mga matataas na opisyal ng East Asia Summit at pulong ng mga matataas na opisiyal ng porum ng ASEAN na idaraos mula Hunyo 7 hanggang 8 sa Vientiane ng Laos.


Sinabi ni Mao na sa panahon ng serye ng mga pulong, sasariwain ng mga kalahok na panig ang natamong bunga ng kooperasyon ng Silangang Asya, tatalakayin ang direksyon ng pag-unlad ng kooperasyong panrehiyon at pagpapasulong ng kooperasyon ng mga mekanismo, ihahandog para sa pulong ng ministrong panlabas, at serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asya sa taong ito.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil