300,000 container, naihatid ng rail-sea intermodal train service ng Tsina

2024-05-13 16:00:01  CMG
Share with:

Inihayag, Mayo 12, 2024, ng China Railway Nanning Group Co., Ltd, na umabot na sa mahigit 300,000 standard container ang naihatid ng rail-sea intermodal train service ng Tsina, na bahagi ng New International Land-Sea Trade Corridor.

 

Ang nasabing koridor ay nagsimula noong 2017, at ito ay isang mahalagang tsanel ng kalakalan at paghahatid ng mga paninda na itinatag ng mga lalawigan sa dakong kanluran ng Tsina at mga kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

 

Kalahok dito ang 71 lunsod ng Tsina at 503 puwerto ng 121 bansa’t rehiyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio