Magkasamang pagsisikap para sa bagong panahon ng relasyon ng Tsina at Malaysia, isusulong

2024-06-20 16:48:02  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng Tsina at Malaysia, at Taon ng Pagkakaibigang Sino-Malaysian, binigyan-diin ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na ang relasyon ng dalawang bansa ay nasa bagong puntong panimula.

 

Sina Premyer Li Qiang ng Tsina at Punong Ministrong Anwar Ibrahim ng Malaysia (photo from Xinhua)


Aniya, dapat palawakin ang tradisyunal na pagkakaibigan, patibayin ang pundasyon ng bilateral na relasyon, pasulungin ang pag-unlad at pag-u-ugnay, palawakin ang komong interes, palalimin ang pagpapalitan, at palakasin ang pagkakaisa, para magkasamang maharap ang mga pandaigdigang hamon at maitatag ang may harmonyang tahanan ng Asya, na may kapayapaan, kaligtasan, kasaganaan, kagandahan at pagkakaibigan.

 

Samantala, ipinahayag ni Punong Ministro Anwar Ibrahim ng Malaysia, na kasama ng Tsina, nakahandang magsikap ang kanyang bansa para palalimin ang kooperasyon sa kalakalan, pamumuhunan, pagkain, enerhiya, didyital na ekonomiya, pangangalaga sa kapaligiran, at pasulungin ang mahahalagang proyektong tulad ng East Coast Rail Link at "Two Countries, Twin Parks" at iba pa.

 

Ito aniya ay para magkasamang malikha ang bagong panahon ng relasyon ng Malaysia at Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio