Mensaheng pambati para sa World Intelligence Expo, ipinadala ni Xi Jinping

2024-06-20 13:01:46  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe ngayong araw, Hunyo 20, 2024 para World Intelligence Expo (WIE) 2024, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na mahalaga ang pag-unlad ng artificial intelligence (AI) para sa Tsina, at pinasusulong nito ang pagsalamuha ng mobile internet, big data, AI at real economy.

 

Kasama ng iba’t-ibang bansa ng daigdig, nais palalimin ng Tsina ang pandaigdigang kooperasyon sa pag-unlad at pangangasiwa sa AI, at pabutihin ang magkasamang pagsisikap tungo sa malusog na pag-unlad ng AI, paglaki ng kabuhayang pandaigdig at pagsulong kapakanan ng sangkatauhan.

 

Ang WEI 2024 ay binuksan sa Tianjin, lunsod sa gawing hilaga ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio