Pangulong Tsino, inutos ang buong sikap na pagharap sa mga kalamidad

2024-06-18 17:01:53  CMG
Share with:

Iniutos ngayong araw, Hunyo 18, 2024 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga departamento na buong sikap na isagawa ang mga gawain sa pagharap sa kalamidad dulot ng pagbaha at tag-tuyot.

 

Tinukoy ni Xi na kamakailan, naganap ang mga kalamidad ng pagbaha na dulot ng malakas na pag-ulan sa mga lugar ng timog Tsina at naganap ang kalamidad ng tag-tuyot sa dakong hilaga ng bansa.

 

Idiniin niya na dapat buong sikap na hanapin ang mga mamamayan na nawawala dulot ng pagguho, isaayos ang mga apektadong mamamayan, igarantiya ang normal na takbo ng trabaho at pamumuhay sa apektadong lugar at mabawasan ang kapinsalaan na dulot ng kalamidad.

 

Hiniling din ni Xi sa mga departamento na maayos na isagawa ang mga gawain sa pagpigil at pagharap sa mga kalamidad.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil