Ika-142 magkakasanib na pagpapatrolya ng Tsina, Laos, Thailand at Myanmar sa Mekong River, kasiya-siyang natapos

2024-06-22 11:31:17  CMG
Share with:

Kasiya-siyang natapos umaga ng Hunyo 21, 2024 ang ika-142 magkakasanib na pagpapatrolya at pagpapatupad ng batas ng Tsina, Laos, Thailand at Myanmar sa Mekong River.

Pinasimulan ang aksyong ito noong Hunyo 18 at tumagal ng 4 na araw.

Sa ilalim ng mekanismo ng magkakasanib na pagpapatrolya at pagpapatupad ng batas ng Tsina, Laos, Thailand at Myanmar, aktibong tinutupad ng apat na bansa ang Global Development Initiative at Global Security Council upang bigyang-dagok ang iba’t-ibang uri ng transnasyonal na krimen at maigarantiya ang kaligtasan at katatagan sa Ilog Mekong.


Salin: Lito

Pulido: Ramil