Nasa 42 Palestino, patay sa mga air strike ng Israel sa Gaza City

2024-06-23 17:50:57  CMG
Share with:

 

Ayon sa awtoridad ng Palestina, nasa 42 Palestino ang namatay sa mga air strike na inilunsad, Hunyo 22, 2024, ng Israel Defense Force (IDF) sa mga purok panirahan sa al-Shati refugee camp at al-Tuffah refugee camp sa Gaza City.

 

Maraming tahanan din ang nawasak, ayon sa ulat.

 

Ayon sa IDF, inatake ng mga eroplanong pandigma nito ang dalawang imprastrukturang militar ng Hamas sa Gaza City, kung saan pinanniniwalaang naroroon si Raed Saad, mataas na komander ng grupo.

 

Pero hanggang sa kasalukuyan, wala pang kumpirmasyon mula sa panig Palestino tungkol sa pagkamatay ni Raed Saad.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan