Pagkatapos ng pagpapatibay ng United Nations Security Council (UNSC) ng resolusyon hinggil sa tigil-putukan sa Gaza Strip, ipinahayag kahapon, Hunyo 10, 2024 ni Fu Cong, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na umaasa ang panig Tsino na igigiit ng mga sponsor country ang pantay at responsableng atityud para pasulungin ang agarang pagsasakatuparan ng pangmatagalang tigil-putukan sa Gaza Strip.
Saad niya na patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng iba’t ibang panig para pasulungin ang pagsasakatuparan ng tigil-putukan sa Gaza Strip sa lalong madaling panahon at pagpapanumbalik ng “two-state solution” para malutas ang isyu ng Palestina at Israel.
Idiniin ni Fu na ang lahat ng mga resolusyon ng UNSC ay mayroong binding force at ang nabanggit na resolusyon ng UNSC ay nagkaroon ng parehong binding force sa resolusyon ng UNSC bilang 2712, 2720 at 2728, kaya dapat komprehensibo at mabisang ipatupad ang naturang mga resolusyon.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil