Sa pagbisita, Mayo 8, 2024 (local time) nina Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina at Unang Ginang Tamara Vucic ng Serbiya sa Pambansang Museo ng Serbiya, ipinahayag ng panig Tsino, na ang museo ay mahalagang bintana ng pangangalaga at pagpapakita ng mga relikya, at palasyo ng pagtitingkad ng sibilisasyon.
Umaasa aniya siyang mapapalakas ng dalawang bansa ang pagpapalitan at kooperasyon sa kultura at magkasamang itatayo ang tulay ng diyalogo ng sibilisasyon.
Magkasamang pinanood ng dalawang unang ginang ang pagtatanghal ng mga tradisyonal na sining ng Serbiya.
Ang nasabing museo ay itinayo noong 1844, at ito ang pinakamalaki at pinakamatandang museo ng bansa.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio