Kooperasyon, isusulong ng Tsina at Biyetnam

2024-06-27 15:47:34  CMG
Share with:

Sa pag-uusap, Hunyo 26, 2024, sa Beijing, nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Biyetnames na counterpart na si Bui Thanh Son, sinabi ng opisyal-Tsino, na ipinakikikta ng mabuting pagpapanatili ng pagpapalitan sa mataas na antas ang espesyal na pagkakaibigan ng dalawang bansa at kooperasyong may mutuwal na pagtitiwalaan at mataas na lebel.

 

Sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Bui Thanh Son ng Biyetnam


Bagamat masalimuot ang kasalukuyang kalagayang pandaigdig, sinabi ni Wang na, kasama ng Biyetnam, magsisikap ang Tsina para palalimin ang estratehikong pagtitiwalaan, pasulungin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, palakasin ang pagpapalitan ng karanasan sa pamamahala, patibayin ang sosyalismong usapin, pangalagaan ang kapayapaan at kaunlaran ng daigdig, at pasulungin ang komong pag-unlad ng sangkatauhan.

 


Ipinahayag naman ni Bui Thanh Son na sa mula’t mula pa’y, estratehikong pagpili at priyoridad ng Biyetnam ang patakarang panlabas sa Tsina.

 

Kasama ng Tsina, nakahanda aniyang magsikap ang Biyetnam para palakasin ang pagpapalitan sa iba’t-ibang antas, at pabutihin ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.

 

Ito ay tungo sa magkasamang pagpapasulong ng sosyalismong usapin.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio