Premyer Tsino, nakipagtagpo sa punong ministro ng Biyetnam

2024-06-25 17:59:23  CMG
Share with:

Dalian, lalawigang Liaoning ng Tsina - Sa kanyang pakikipagtagpo Lunes, Hunyo 24, 2024 kay Punong Ministro Pham Minh Chinh ng Biyetnam, tinukoy ni Premyer Li Qiang ng Tsina na sa mula’t mula pa’y binibigyang-priyoridad ng diplomasya ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyon sa Biyetnam.

 

Kasama ng panig Biyetnames, nakahanda aniya ang Tsina na palalimin ang pagpapalitang tao-sa-tao sa mga larangang gaya ng turismo, medisina, edukasyon at kabataan, at walang humpay na patibayin ang pundasyon ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

 


Diin ni Chinh, buong tatag na iginigiit ng Biyetnam ang patakarang isang-Tsina.

 

Kasama ng panig Tsino, nakahanda aniya ang Biyetnam na ipatupad ang mga mahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang partido at dalawang bansa, palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa iba’t ibang larangan, at pasulungin ang pagtamo ng konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Biyetnam at Tsina ng mas masaganang bunga.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil