83.5% ng mga respondente sa buong daigdig, humanga sa Five Principles of Peaceful Coexistence—CGTN Poll

2024-06-28 10:19:52  CMG
Share with:

Ayon sa isang sarbey ng China Global Television Network (CGTN), halos 83.5% ng mga respondente sa buong daigdig ang humanga sa kahalagahan ng soberanya, katarungan, at demokrasya na ipinakikita ng Five Principles of Peaceful Coexistence at naniniwala silang ang Tsina ay magbibigay ng ambag para sa pagtatatag ng mas magandang daigdig.


Isinagawa ng CGTN ang naturang sarbey sa 36 na bansa sa buong daigdig, na kinabibilangan ng Amerika, Britanya, Alemanya at Hapon at nilahukan ito ng 11706 respondente.


Ang Five Principles of Peaceful Coexistence na iniharap ng Tsina noong 1954 ay binubuo ng paggalang sa kabuuan ng teritoryo at soberanya sa isa’t isa, di-pagsasalakay sa isa’t isa, di-pakikialam sa suliraning panloob sa isa’t isa, pagkakapantay-pantay at mutuwal na kapakinabangan, at mapayapang pakikipamuhayan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil