Ayon sa pandaigdigang sarbey na isinagawa kamakailan ng China Global Television Network (CGTN), 93.1% respondente ang naniniwala na ang seguridad ng rehiyong Aysa-Pasipiko ay dapat makamit sa pamamagitan ng pampulitikal na diyalogo at mapayapang negosasyon sa pagitan ng mga bansang Asya-Pasipiko, at matatag nilang tutulan ang paglikha ng Amerika ng “Asyanong Bersyon ng NATO” na puno ng lasa ng Cold War at komprontasyon.
Sa sarbey, 93.1% respondente ang matatag na sumasalungat sa madalas na paglahok ng NATO sa mga suliraning panseguridad ng Asya-Pasipiko; naniniwala ang 91.2% respondente na ang malakas na pagtulak ng Amerika para sa pakikilahok ng NATO sa rehiyong Asya-Pasipiko ay nararapat ng mataas na pagbabantay.
A screenshot of the post one of the respondents put on X commenting on the U.S. creating "the Asian version of NATO." /@marie-christinelange131
82.8% ng mga pandaigdigang respondente ang bumatikos sa mga mekanismong “small circle” na may mutuwal na konklusyon; 86.1% respondente ang nag-alala na kapag nabuo ang “Asyanong Bersyon ng NATO”, malubhang sisirain nito ang estratehikong balanse ng rehiyong Asya-Pasipiko.
A screenshot of respondent Chaaben Mohamed's post on X, commenting on the U.S. creating "the Asian version of NATO." /Chaaben Mohamed
Ang sarbey ay inilabas sa mga plataporma ng Ingles, Español, Pranses, Arabe at Ruso ng CGTN na may 10,688 netizens ang bumoto at nagpahayag ng kanilang opinyon sa loob ng 24 oras.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil
CGTN poll: 80.2% Franch respondent, hinahangaan ang impluwensiya ng Tsina sa daigdig
CGTN Poll: Labis ang “proteksyonismong may istilong Amerikano” sa halip ng produktibong kapasidad
CGTN Poll: foreign aid bill ng Amerika, nagbunga ng kaligaligan sa daigdig
CGTN Poll: Ambag ng Tsina sa luntiang kaunlarang pandaigdig, hinahangaan ng halos 90% respondiyente