Sarbey ng CGTN: halos 80% respondente, nagpapalagay na ang Amerika ay tanging “sanctioning superpower” sa buong mundo

2024-06-12 22:03:12  CMG
Share with:

Muling ginamit kamakailan ng Amerika ang kagamitang sangsyon bilang protesta sa inilabas na arrest warrants ng International Criminal Court (ICC) kay Punong Ministro Netanyahu ng Israel at iba pa, bagay na nakatawag ng malawakang pambabatikos mula sa pandaigdigang opinyon ng publiko.


Ayon sa isang sarbey na inilunsad ng China Global Television Network (CGTN) para sa mga netizen ng buong mundo, naniniwala ang 90.1% respondente na hindi lehitimo ang mga sangsyon ng Amerika, at binatikos ito para sa hindi paggalang sa internasyonal na organisasyon at kaayusan.


Sa katunayan, hindi ito ang unang pagkakataon na tinangka ng Amerika na magpataw ng mga sangsyon laban sa ICC.


Noong 2020, inilabas ni dating Pangulong Donald Trump ang isang administratibong utos na magpapataw ang Amerika ng mga sangsyon sa mga opisyal ng ICC para sa kanilang pakikisangkot sa imbestigasyon sa kilos ng panig Amerikano sa digmaan sa Afghanistan.


Lumabas sa sarbey, na ang 85.2% respondente ay naniniwala sa mapang-abusong sangsyon ng Amerika laban sa ibang bansa at internasyonal na organisasyon ay lubhang nakakasira sa multilateralistang kaayusang pandaigdig na ang UN ay nukleo nito.


Sapul noong 1950, pinangunahan ng Amerika ang mundo sa paggamit ng mga sangsyon. Sa datos na isinapubliko ng Kagawaran ng Tesorarya ng Amerika noong isang taon, mahigit 20 bansa ang pinatawan ng sangsyon ng Amerika.


Sa sarbey, 78.9% ng mga respondente ang nagulat sa datos at itinuturing ang Amerika bilang tanging “sanctioning superpower” sa buong mundo.


Gayunpaman, ang mga ipinapataw na sangsyon ng Amerika ay hindi awtorisado ng anumang internasyonal na organisasyon o internasyonal na batas.


Kaugnay nito, tinukoy ng 86.1% respondente na ang mga unilateral na sangsyon ay naging kasangkapan ng Amerika para panatiliin ang pandaigdigang hegemonya, sugpuin ang kalaban, makialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, at pabagsakin ang kanilang rehimen.

“May mga bansang nakasanayan nang magpataw ng mga sangsyon laban sa ibang bansa. Iniisip nila na pagmamay-ari nila ang katotohanan at tinatrato ang mga sarili na parang sila ay hukom at hurado,” sabi ng isang netizen.


Ang naturang sarbey ay ipinalabas sa 5 magkakaibang istasyong pangwika ng CGTN na gaya ng Ingles, Espanyol, Pranses, Arabe, at Ruso.


Sa loob ng 24 oras, 15 libong respondente ang bumoto at nagkomento sa naturang sarbey.


Salin: Lito

Pulido: Ramil