TCM medical aid team ng Tsina, ginawaran ng medalya ng Kambodya

2024-06-28 15:51:45  CMG
Share with:

Idinaos Hunyo 27, 2024, sa Phnom Penh, Kambodya, ng Ministri ng Kalusugan ng Kambodya ang seremonya ng paggawad ng medalya sa Traditional Chinese Medicine (TCM) medical aid team ng Tsina, na dinaluhan nina Chheang Ra, Ministro ng Kalusugan ng Kambodya, Chang Jian, Charge d' Affaires ng Embahadang Tsino sa Kambodya at lahat ng miyembro ng medical team.

 

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Chheang Ra na ipinagkaloob ng medical team ng Tsina ang pagsasanay ng TCM para sa Cambodia-China Friendship Preah Kossamak Hospital at mahigit 18 libong mga pasyente ang nagamot. Taos-pusong pinasalamatan niya ang mga miyembro ng medical team, at pinahalagahan ang kanilang lubos na responsableng pagpapahalaga at ambag sa kalusugan ng mga mamamayan ng Kambodya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil