Tsina, nananatiling pinakamatibay na tagasuporta ng pag-unlad ng Kambodya – Wang Yi

2024-04-23 16:19:32  CMG
Share with:

Abril 22, 2024, Phnom Penh – Sa pagtatagpo nina Punong Ministro Hun Manet ng Kambodya at Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, sinabi ng panig Tsino, na kahit ano man ang pagbabagong mangyari sa kalagayang pandaigdig, mananatiling pinakamapagkakatiwalaang kaibigan at pinakamatibay na tagasuporta ng pag-unlad ng Kambodya ang Tsina.

 

Aniya, aktibong ipinapatupad ng Tsina at Kambodya ang mahahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at ang pagsasaoperasyon ng mahahalagang proyektong pang-imprastruktura at kooperasyon sa kapasidad ng produksyon ay nakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan Tsino at Kambodyano.

 

Kasama ng Kambodya, nakahanda aniyang palakasin ng Tsina ang pagtitiwalaan at pagkakatigan, at palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.

 


Saad naman ni Hun Manet, ang pag-unlad ng Tsina ay nagbunga ng mahalagang pagkakataon para sa mga bansa sa rehiyon, at nakinabang nang marami rito ang Kambodya.

 

Aniya, hindi nagbabago ang pagkakaibigan ng Kambodya sa Tsina at matatag nitong sinusuportahan ang paninindigan ng Tsina sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes na gaya ng isyu ng Taiwan, Hong Kong at Xinjiang.

 

Aktibo rin aniyang sumasali ang kanyang bansa sa kooperasyon ng Belt and Road, at kinakatigan ang Global Development Initiative, Global Security Initiative at Global Civilization Initiative.

 

Kasama ng Tsina, nakahanda ang Kambodya na palakasin ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, tanggapin ang pamumuhunan ng mas maraming kompanyang Tsino, pasulungin ang pagpapatupad ng mas maraming mahahalagang proyekto, at pabutihin ang pagtutulungan at pagkokoordinahan sa mga multilateral na suliranin, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio