2 sugatang mangingisdang Pilipino, tinulungan ng CCG

2024-07-01 15:51:04  CMG
Share with:

Ipinahayag, Hunyo 30, 2024 ng China Coast Guard (CCG) na tinulungan nito, Hunyo 29 ang 2 nasugatang mangingisdang Pilipino sa katubigan ng Huangyan Dao sa South China Sea.

 

Ang dalawang mangingisdang Pilipino, ayon sa CCG ay nasugatan dahil sa pagsabog ng makina ng kanilang sinasakyang bangka.

 

Nang matagpuan ng 2 bapor-Tsinong nagpapatrolya sa lugar, ipinagkaloob nila sa mga mangingisdang Pilipino ang mga salbabida at life jacket.

 

Ipinaalam din ng CCG sa panig Pilipino ang hinggil sa nasabing insidente.

 

Nagpasalamat naman ang bapor-Pilipino sa makataong aksyon sa pamamagitan ng radyo, anang CCG.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio